BroadKas (Mga Kasmates Let’s Talk about PAREX)

View Calendar
November 10, 2021 1:00 PM - 2:00 PM



Pagbati mula sa UP Departamento ng Kasaysayan!

Magbabalik sa himpapawid ang BroadKAS, ang opisyal na programang panradyo ng aming departamento sa DZUP, upang muling maghatid ng mga diskursong pangkasaysayan na mahalaga sa loob at labas ng Unibersidad. Nakatuon ang mga episode ngayong semestre sa mga kasalukuyang isyu na lalapatan ng mga panunuring pangkasaysayan at ng mga perspektiba mula sa ibang disiplina. Panimulang isyu na tatalakayin ang planong maisagawa ang proyektong Pasig River Expressway (PAREX) sa Kalakhang Maynila na naging laman ng mga balita noong nakaraang buwan. Magpapadaloy ng talakayan si Prop. Ferdinand C. Llanes kasama ang tatlong panauhin na may mga may pag-aaral at/o adbokasiya hinggil sa paksa tulad nina Architect Paulo Alcazaren, Prop. Efenita May Taqueban ng UP Diliman at Prop. Analyn Munoz ng UP Baguio.

Gaganapin ang bagong episode ng BroadKAS sa Miyerkules, 10 Nobyembre 2021, sa ganap na 1:00-2:00 ng hapon. Ito ay mapapakinggan sa opisyal na website ng DZUP 1602 (http://dzup.org o http://stream.ilc.upd.edu.ph/dzup/) at mapapanood sa Facebook pages ng BroadKAS at DZUP.

Nawa’y makasama namin kayo sa aming talakayan at maibahagi po ninyo ito sa inyong mga guro, estudyante at kawani.

Maraming salamat po.