Pasinati XII: “Dokumentasyon ng mga Pangalang Pook”

DALO NA SA PASINATI 12!
Alinsunod sa patuloy na pagtataguyod ng Patakarang Pangwika ng Unibersidad ng Pilipinas (UP) para sa pagpapalaganap at pagpapaunlad ng wikang Filipino bilang midyum ng pagtuturo, pananaliksik, publikasyon, at opisyal na komunikasyon, binubuksan ng Sentro ng Wikang Filipino – UP Diliman (SWF-UPD) ang rehistrasyon para sa panibagong Pasinati: Pagsasanay sa Wika, Teorya, at Metodolohiya na “Dokumentasyon ng mga Pangalang Pook.”
Isasakatuparan ang lektura-palihan sa 23 Mayo 2026 (Sabado), 9:00nu-4:00nh, sa pamamagitan ng Zoom.
Para sa mga nais lumahok, magpatala lamang sa pamamagitan ng pag-scan ng inilaang QR Code o pag-akses sa link: https://bit.ly/pasinati12
Limitado lamang ang slot ng palihan upang matiyak na produktibo ang programa. Antabayanan ang paanyaya sa inyong email para sa mga mapipiling kalahok.
Kaya huwag nang magdalawang-isip, magpatala na sa Pasinati 12!
Source: Sentro ng Wikang Filipino – UP Diliman Facebook