SINILEKSYON (Sining, Eleksyon, at Leksyon) Cultural Night

View Calendar



Isang gabi ng sining. Isang tindig para sa eleksyon. Isang bukal ng mga leksyon. Inihahandog ng Department of Humanities at UPLB sa Halalan 2022 ang SINILEKSYON (Sining, Eleksyon, at Leksyon) Cultural Night.

Saksihan natin ang mga awit, sayaw, dula, tula, talumpati, at iba pang pagtatanghal upang manawagan para sa matalinong pagpili ng mga susunod na lider ng bansa.

Tampok sina National Artist for Literature Virgilio S. Almario, Jose Dalisay, Layeta Bucoy, Emmanuel Dumlao, Vladimeir Gonzalez, at iba pang mga indibidwal at grupo.

Mapanonood nang live ang SINILEKSYON Cultural Night sa UPLB Official Facebook Page sa Lunes, May 2, 2022, 7 PM.

Para sa Bayan!

#SinileksyonCulturalNight #UPLBsaHalalan2022 #VoteWisely

Source: University of the Philippines Los Baños Facebook post