
Sa kabila ng mga ingay, hanapin din natin ang himig ng paghinga at pagsuhay. 🍃🫂
Magsama-sama tayo sa pormal na pagbubukas ng Suhay Exhibit 2025: Kapit-bisig para sa Lusog-isip at sa paglulunsad ng Humingahon Zine. Ito ay dalawang inisyatibang nagsusulong sa akto ng pagpapahinga bilang paghilom at protesta. Bahagi ito ng UP Diliman Mental Health Advocacy Month Celebration na naglalayong itaguyod ang kamalayan at pag-aalaga sa kalusugang pangkaisipan ng komunidad ng Unibersidad.
Ang suháy ay nangangahulugang suporta—isang panangga na ginagawang pundasyon para maging matibay ang mga bagay na mabuway, isang pansandig, pantulong, at kasáma.
Hinihikayat ng pagtitipong ito na tanawin ang pahinga bilang isang anyo ng radikal na pagkilos, ang suporta bilang lakas, ang sining bilang pagpapagaling, at kilalanin ang komunidad bilang pinakamahalagang suhay ng ating buhay.
📍 Exhibit Launch
🗓️ 24 Oktubre 2025 (Biyernes)
🕐 1:00 n.h. – 3:00 n.h.
📌 Vinzons Hall Lobby, UP Diliman
📍 Exhibit Duration
🗓️ 27 Oktubre – 7 Nobyembre 2025
📌 Vinzons Hall Lobby, UP Diliman
Walang registration form — bukas ito para sa lahat.
Halina’t magsilbing suhay sa isa’t isa. 💛
#MoveForLusogIsipUPD
Dibuho at disensyo ni Lei Angelli Ortega
Source: UP Diliman Office of the Vice Chancellor for Student Affairs Facebook