Tatsulok: Pambansang Kumperensiya sa Philippine Studies 2026

Inaanyayahan ng UP Departamento ng Filipino at Panitikan ng Pilipinas ang publiko na makilahok sa Tatsulok: Pambansang Kumperensiya sa Philippine Studies 2026 sa Ignacio B. Gimenez (IBG)-KAL Theatre, UP Diliman, ngayong Hunyo 18–19, 2026.
Ang tema ng kumperensiya ay “Rizal at Pagkamakabayan” bilang paggunita sa ika-70 anibersaryo ng Batas Rizal. Susuriin natin ang naging pag-unlad at pagbabago sa lipunang Pilipino mula noon kina Rizal hanggang ngayon. Ang ugnayan ng akademya, mga kilusang panlipunan at bayan, ang tatsulok na tinatanaw nating magluluwal ng makabuluhang edukasyong huhubog sa makabayan at kritikal na mamamayan na kailangan ng lipunan.
Bahagi ang Kumperensiyang Tatsulok ng mga gawain ng UP DFPP sa ika-60 anibersaryo gayundin ang pagpapahusay ng pagtuturo sa kursong Rizal, at pagpapalakas ng pangkalahatang edukasyon sa Pilipinas.
Magparehistro rito o i-scan ang QR code. sa ibaba. tinyurl.com/PublikoRehistrasyon.
Source: UP Departamento ng Filipino at Panitikan ng Pilipinas Facebook