Panawagan sa Abstrak: Ika-45 na Pambansang Kumperensiya sa Sikolohiyang Pilipino
#TindogTayo: Pagbangon at Paninindigan para sa Sarili, Kapwa, at Bayan
25-27 Nobyembre 2021
Online
Inihahandog ng Pambansang Samahan sa Sikolohiyang Pilipino at UP Visayas Tacloban College
Mga Layunin ng Kumperensiya
Sa pangkalahatan, nilalayon ng kumperensiya na:
1. talakayin ang mga karanasan ng pagbangon para sa sarili, kapwa, at bayan;
2. suriin ang kahulugan ng paninindigan sa karanasang Pilipino;
3. magtampok ng mga bagong pananaliksik sa kultura, lipunan at sikolohiyang Pilipino; at
4. magbahagi ng mga kaalaman at kasanayan sa Sikolohiyang Pilipino
Inaanyayahan ang lahat na may pananaliksik na may kinalaman sa paksa na magsumite ng kanilang abstrak. Tatanggapin din ang mga pag-aaral tungkol sa mga kultural na konseptong sikolohikal, identidad, pagpapahalagang Pilipino, wika, sikolohiya ng LGBT, pakikipag-ugnayan, migrasyon, isyung panlipunan, atbp. na makakatulong sa pag-unawa ng karanasan ng mga Pilipino. Ang mga papel ay maaaring kwantitatibo, kwalitatibo, teoretikal, o rebyu.
Indibidwal na Paglalahad: tinyurl.com/pksp45papel
Panel o Symposium: tinyurl.com/pksp45panel
DEDLAYN: 30 SETYEMBRE 2021
Source: Pambansang Samahan sa Sikolohiyang Pilipino
#TindogTayo: Pagbangon at Paninindigan para sa Sarili, Kapwa, at Bayan
View Calendar