Muling magsasagawa ang WEP ng libreng 2025 WEP Training Series on Labor Relations. Layunin nitong ipaalam sa mga manggagawa sa pribadong sektor ang kanilang mga:
(1) karapatan sa ilalim ng Saligang Batas ang pagtatatag ng sariling organisasyon, sama-samang pakikipagkasundo, at mapayapa at magkakaugnay na pagkilos, kasama ang karapatang magwelga na alinsunod sa batas;
(2) karapatan ng mga kasapi ng unyon;
(3) mga tungkulin ng mga opisyal ng unyon;
(4) papel ng unyon sa lugar ng paggawa;
(5) pagsapi at pag-alis sa mga pederasyon;
(6) unfair labor practices (ULP) o di-makatwirang praktis sa paggawa;
(7) mga remedyo sa mga nabanggit at;
(😎 pagsagot sa mga maling palagay o paniniwala tungkol sa unyonismo.
Magrehistro gamit ang nakasaad na QR code.
Source: University of the Philippines College of Law Facebook