MIMIAYAM: MGA TALA MULA SA FILDWURK NG LINGG 225 SA BAYBAYING PANGASINAN

MIMIAYAM: MGA TALA MULA SA FILDWURK NG LINGG 225 SA BAYBAYING PANGASINAN
22 September 2026 | Tuesday | 1:00 PM
CSSP Health and Wellness Center
Everyone is invited to join “Lessons from the Field,” as part of the Lingg Month 2026 celebration. The event features the Lingg 225 (Field Methods in Linguistics) team who conducted their fieldwork activities in the towns of Pangasinan during the Midyear Term of A.Y. 2024-2025:
Brian Baran
Jethro Bautista
Ralph Mangalino
Nico Salvador
Faculty-in-charge of L225 2025: Prof. Aldrin P. Lee
Their abstract may be read below:
Higit 50 na taon ang lumipas mula nang mailathala ang pinakahuling gramar ng Pangasinan (ISO 639-3 [pag]). Inilalarawan sa gramar na ito ang barayti ng Pangasinan na sinasalita sa Caboloan o sa mga panloob na bayan ng Pangasinan (Benton, 1971; Pellicer, 1840). Bunsod ng kontekstong ito, nilayon ng field class ng Lingg 225 [Mga Pangfild na Metod sa Linggwistiks] na idokumento at ilarawan ang barayti ng Pangasinan na sinasalita sa mga baybaying lungsod/bayan nito upang makabuo ng preliminaryong dokumentasyon ng Baybaying Pangasinan (Coastal Pangasinan). Magiging pokus ng panel-talakayan na ito ang mga bagong tala hinggil sa gramar ng wika mula sa sinuring barayti: ang etnoleksikong baybayin, ponolohiya, at morpo-sintaks ng Baybaying Pangasinan.
Sa susunod na bahagi ng talakayan, pagtutuunan ng pansin ang mas malawak na konteksto ng pagsasagawa ng linggwistik na fildwurk sa Pilipinas, particular ang ilang mahahalagang usapin kabilang na ang kagyat na pangangailangan sa fildwurk, ang etika sa pangfild na pananaliksik, ang ideyal na tagapagsalita ng wika at linggwistik na informant, at ang “field site” bilang lunan ng linggwistik fildwurk at ng wikang iniimbestiga. Sa huli, nais palitawin sa talakayan kung ano ba ang pakinabang ng pag-aaral ng wika sa tahanan ng mga tagapagsalita nito—in situ sa Pangasinan.
This event is free and open to the public. For inquiries, you may send an email to <[email protected]>.
Source: UP Department of Linguistics Facebook