UP Alumni Website

Loading Events

« All Events

  • This event has passed.

ARANGKADA, KERIMA! 2024 UP Diliman Women’s Art Crawl!

March 22 @ 1:00 pm - 4:00 pm











Ngayong pagdiriwang ng Buwan ng Kababaihan, inaanyayahan ng UPDGO ang buong UP Community sa ARANGKADA, KERIMA! 2024 UP Diliman Women’s Art Crawl! Sama-sama nating pagpugayan ang mga kababaihang artista ng bayan, at ating patampukin ang mga usapin na matinding kinakaharap ng kababaihan sa ating bansa ngayon. 💜🌸 Para sa higit pang detalye ng kaganapan, silipin ang buong roster ng mga artista, manunulat, at iskultura!

✨ANG MGA MANUNULAT✨

Luna Sicat Cleto
Awtor si Luna ng mga premyadong akda: Makinilyang Altar, Mga Prodigal, Bago Mo Ako Ipalaot, at Huni at Pakpak: Mga Dula at Sanaysay. Ipinagdiriwang bilang napakahusay na kuwentista, bilang makata, mandudula, mananaysay, kritika, editor, at tagasalin. Naging kabahagi siya ng mga organisasyong pampanitikan at siniguradong may lugar ang babae sa panitikan ng Pilipinas. Mahigit tatlumpung taon na rin siyang nagsisilbing guro ng panitikan at malikhaing pagsulat sa Unibersidad ng Pilipinas. Nais niyang maalala bilang tagapamagitan sa danas at pagsulat.

Kerima Tariman
Si Kerima Tariman rin ay isang babaeng rebolusyonarya ng ating henerasyon. Si Kerima ay makata, aktibista, at mandirigma. Nagtapos siya bilang salutatorian sa Philippine High School for the Arts at naging estudyante ng Journalism at Philippine Studies sa Unibersidad ng Pilipinas. Ginugol niya ang oras – ang buong buhay sa pakikibaka – upang ilahad ang katuwiran ng himagsikan.

Lilia Quindoza Santiago
Si Lilila ang Makata ng Taon ng 1989 ng Linangan ng mga Wika sa Pilipinas. Siya ay isang kuwentista, maestra, feminista, maybahay, at ina, tagasalin, at kritika. Siya ay dating propseor sa Departamento ng Filipino at Panitikan ng Pilipinas. Trailblazer na maituturing, hindi matatawaran ang kaniyang ambag sa kilusang kababaihan sa Pilipinas sa kaniyang mga panulat at ang ilang dito ay In the Name of the Mother, 100 Years of Philippine Feminist Poetry; Rebirthing Babaye: The Women’s Movement in the Philippines; at ang Kagampan at iba pang tula o Pregnant and other poems.

✨ANG MGA MAGSISIPAGTANGHAL✨

Rural Women Advocates (RUWA) is a network of volunteers—from students, feminists, women publishers, academe, artists, writers, professionals, food advocates, and other sectors—that advocate Women’s Rights for Equality and Against Discrimination, Genuine Land Reform, and fundamental reforms in the country. RUWA was formally organized by Amihan or the National Federation of Peasant Women, a national campaign center for the Filipino peasant women, last July 1, 2019.
SAKA (sá·ka: to make land productive) is an anti-feudal network of art and cultural workers that support and advance the peasant agenda of genuine agrarian reform, rural development, and food security. As allies of the Philippine peasant movement, we align our programs, activities, and events with their most urgent and long term campaigns. By learning the fundamentals of land justice, we help raise visibility for peasant struggles through creative communication work as part of a broader mass movement for national democracy.

📅 March 22, 2024 Friday

🎨 UPD Women’s Art Crawl:
Meet-up at CAL New Building Magdangal Grounds
Batch 1: 1:00 PM – 2:30 PM
Batch 2: 2:30 PM – 4:00 PM

Mag-preregister dito!
https://forms.gle/VcZL7DduiEFt1vxZ8

Source: UP Diliman Gender Office Facebook

Details

Date:
March 22
Time:
1:00 pm - 4:00 pm