
Samahan ang Departamento ng Antropolohiya sa mga kultural na pagtatanghal na pangungunahan nina Felipe P. Jocano, Jr., para sa Kuntao, at ng Padayon Rondalla, para sa Rondalla, sa Huwebes, ika-23 ng Oktubre, ika-10 nang umaga, sa Palma Hall 1st floor lobby. Makiisa sa isang umagang puno ng karanungan, tugtugan, at indakan.
Ang “Indayog: Mga Kultural na Pagtatanghal” ay bahagi ng pagdiriwang ng Linggo ng KAPP 2025. Ito ay bukas sa publiko.
Source: UP Department of Anthropology Facebook