UP Alumni Website

Loading Events

« All Events

  • This event has passed.

“Mga Kuwento, Mga Kasarian at Mga Katawan: Mga Pananaw mula Retorika at Araling Pagtatanghal sa Pag-aaral ng Pang-araw-araw”

November 29 @ 9:00 am - 4:00 pm



Nagtataka ka ba kung paano sinusuri ang iba’t ibang tekstong nakikita natin araw-araw gamit ang mga lente ng komunikasyon at teatro?
Makilahok na sa muling pagbubukas ng Sentro ng Wikang Filipino – UP Diliman (SWF-UPD) ang rehistrasyon para sa susunod na Pasinatì sa ika-29 ng Nobyembre (Sabado) na may temang “Mga Kuwento, Mga Kasarian at Mga Katawan: Mga Pananaw mula Retorika at Araling Pagtatanghal sa Pag-aaral ng Pang-araw-araw.” Isasagawa ang lektura-palihan sa pamamagitan ng Zoom mula 9:00 n.u. hanggang 4:00 n.h.

Itinatampok ng pagsasanay ang mga pananaw mula sa dalawang disiplina ng Komunikasyong Pasalita (Speech Communication) na Retorika at Araling Pagtatanghal (Rhetoric and Performance). Bahagi ang Pasinatì 11 ng pagsusulong ng Patakarang Pangwika ng UP para sa pagpapalaganap at pagpapaunlad ng wikang Filipino bilang midyum ng pagtuturo, pananaliksik, publikasyon, at opisyal na komunikasyon.

Para sa mga interesadong lumahok sa pagsasanay, magpatala lamang sa pamamagitan ng pag-scan sa QR Code o pag-akses sa bit.ly/PasinatiXI_Rehistrasyon_29Nob2025, at antabayanan ang paanyaya sa inyong email para sa mga mapipiling kalahok.

Limitado ang mga slot ng workshop, kaya halina’t magregister na!

Source: Sentro ng Wikang Filipino – UP Diliman Facebook

Details

  • Date: November 29
  • Time:
    9:00 am - 4:00 pm