Loading Events

« All Events

  • This event has passed.

Ang Tubig, na Tahanan

April 11 @ 8:00 am - May 9 @ 5:00 pm



Ang Tubig, na Tahanan

Isang pangwakas na eksibit mula sa Paglayag at Paglaya Program ng Concerned Artists of the Philippines, UP CSWCD Research and Extension for Development Office (REDO) at mga Komunidad ng Mangingisda ng Pamalakaya

Simula pa noong 2024, naging katuwang ng Concerned Artists of the Philippines ang Pamalakaya sa paglulubog ng mga artista ng bayan sa mga komunidad ng mangingisda. Dito lubos na napag-aaralan ang malubhang kondisyon ng nasabing sektor—ang panganib sa kanilang kabuhayan at tirahan dulot ng lumalalang kondisyon ng Laguna de Bay at Manila Bay, dahil na rin sa mga reclamation projects at dredging na isinasagawa sa kanilang lugar.

Sa suporta ng Office of Extension Coordination, Office of the Vice Chancellor for Research and Development, napalawig ng CAP at UP CSWCD REDO ang programang ito bilang Paglayag at Paglaya, kung saan nagsagawa ang organisasyon ng mga art workshop sa mga kabataan ng komunidad. Ang eksibit na ito ay ang kulminasyon ng nasabing proyekto, tampok ang mga sining na nilikha ng mga mangingisda mula sa mga workshop, pati na ang mga sining na ginawa ng artista ng CAP na sumama sa mga paglubog.

📍 Abril 11 – Mayo 9, 2026
Pasinaya: Abril 11, 2026 2:00-4:00PM
University of the Philippines College of Social Work and Community Development
1st Floor Walkway

Source: College of Social Work and Community Development Facebook

Details

  • Start: April 11 @ 8:00 am
  • End: May 9 @ 5:00 pm