Libreng Cervical Cancer Screening

📣LIBRENG CERVICAL CANCER SCREENING📣
Hindi laging may sintomas ang banta ng cervical cancer. At tanging sa regular na pagpapasuri lamang makakasiguro na protektado ka laban dito.
Ang cervical cancer ay komplikasyon dulot ng palagiang impeksyon ng Human Papillomavirus o HPV. Karaniwang virus ang HPV na naipapasa sa pamamagitan ng sex o skin-to-skin contact. Madalas kayang labanan ng katawan ang virus, pero pagdating ng edad 30 pataas, humihina na ang kakayahan ng katawan na labanan ito.
Mag-signup na sa LIBRENG #CervicalCancer screening
âś… LIGTAS, LIBRE, at garantisado ang accuracy ng resulta
âś… Self-collection, kaya hindi na kailangan sumailalim sa pelvic exam
âś… Mabilis at maasahan ang resulta ng HPV DNA test
âś… Para sa mga babaeng edad 30-49
📌 LIBRE AT BUKAS PARA SA LAHAT
Maaaring mag-signup ang mga interesado sa link na ito:
http://www.tinyurl.com/CCE-UPDGO
âś…Bukas din ang screening para sa mga walk-in.
📍UP Diliman Gender Office, 2nd Floor Benton Hall
⏰ May 8, 2026 | 9:00AM – 3:00PM
Ang serbisyong ito ay hatid sa inyo ng Department of Health (Philippines), Quezon City Health Department, at Women Workers for Health Empowerment Network (WHEN), UP Diliman Gender Office (UPDGO) sa pakikipagtulungan sa GRAB at GRAB Bikers Community sa pamamahala ng #CLAMSProject.
Source: UP Diliman Gender Office Facebook