DALUYAN 2026 Gawaing Panlipunan bilang Daluyan ng Karanasan, Kamalayan, at Kaunlaran ng Mamamayan

🌊✨ DALUYAN 2026 ✨🌊Gawaing Panlipunan bilang Daluyan ng Karanasan, Kamalayan, at Kaunlaran ng Mamamayan
Malugod namin kayong inaanyayahan sa gaganaping Research Forum ng SW 199: Research in Social Work Class ngayong Mayo 28–29, 8:00 AM–4:00 PM sa Bulwagang Tandang Sora, CSWCD, University of the Philippines Diliman. 🍃
Tunghayan ang mga inihandang pag-aaral ng mga estudyante ng Gawaing Panlipunan na sumasalamin sa samu’t saring karanasan, pakikibaka, at adhikain ng mamamayan. Sa pamamagitan ng pananaliksik, hangad ng forum na magsilbing daluyan ng kritikal na kamalayan, makabuluhang diskurso, at kolektibong pagkilos tungo sa higit na makatao at makatarungang lipunan. 🌱📚
Inaasahan namin ang inyong pagdalo at pakikiisa! 💙
In partnership with:
Rotary Club of Pasig South & Valena Law Office
Orange Leaf Prints
Solis Medina Fajardo & Malilong Law Offices
Peace and Equity Foundation
Rotaract Club of Luntiang Maynila Prime
Source: College of Social Work and Community Development Facebook