Skip to main content

UP Alumni Website

“Ang Natatanging Ngaratngat: Ang Buhay ni Leonardo Co, Siyentista ng Bayan” Book Launch



Siyentista ng bayan, tagapagtanggol ng kalikasan, at tagapagsulong ng karapatang pantao—iyan si Leonardo Co! Kilalanin siya sa bagong aklat pambata sa seryeng Sulong Agham ng Supling Sining, Ink. at UP Kolehiyo ng Agham 🌿🌱
Inaanyayahan ang lahat sa lunsad-aklat ng Ang Natatanging Ngaratngat: Ang Buhay ni Leonardo Co, Siyentista ng Bayan, isang aklat pambata mula sa awtor na si Prop. Jose Monfred C. Sy ng UP Departamento ng Filipino at Panitikan ng Pilipinas at ilustrador na si Glenn F. Gonzales ng Tambisan sa Sining.

🗓️ Hulyo 20, 2026
⏱️ 2:00 – 4:00 nh
📍 Pav 1131, Palma Hall, UP Diliman

Magrehistro dito o i-scan ang QR code: https://forms.gle/NGG2brsQt3pZGNzWA

Samahan ninyo kami sa isang kuwentuhan hinggil sa agham at lipunan kasama ng awtor, ilustrador, editor, pamilya ni Leonard Co, at mga siyentista ng bayan!

——

Ang Sulong Agham ay isang serye ng mga aklat pambata na layuning hikayatin ang mga batang Pilipino na pumasok sa larangan ng agham, teknolohiya, inhenyeriya, at matematika (STEM) sa pamamagitan ng pagbabahagi ng buhay at mga gawa ng mga siyentistang Pilipino. Kasabay nito, isinusulong din ng proyekto ang paglapit ng agham at panitikan sa mga komunidad sa pamamagitan ng mga programa katulad ng pagbasa ng mga aklat sa mga bata at iba pang gawaing pangkomunidad.

Source: UP Departamento ng Filipino at Panitikan ng Pilipinas Facebook

Date
Jul 20 2026
Expired!
Time
2:00 pm - 4:00 pm