Skip to main content

UP Alumni Website

UP Institute of Creative Writing Interdisciplinary Book Forum : “Discourse on Imperialism”



Sa “Discourse on Imperialism”, tinipon ang mga sulatin at lektura ni Neferti X.M. Tadiar hinggil sa imperyalismo mula 2001 hanggang 2023. Minamapa nito ang operasyon ng imperyalismo sa diskursong politikal, sining at panitikan, pang-araw-araw na buhay, bukod pa sa panggigiyera. Binabalangkas nito ang kultural na lohika ng imperyalismo habang binabaybay rin ang mga bakas ng pakikibaka rito.
Inihahandog ng Likhaan: UP Institute of Creative Writing, katuwang ang UP Press, ang 20th Interdisciplinary Book Forum tampok ang librong “Discourse on Imperialism” ni Neferti X. M. Tadiar.

Ang Interdisciplinary Book Forum (IBF) ay ginaganap isang beses bawat semestre upang maglaan ng akademikong espasyo para sa mga diyalogo at intelektuwal na pakikipag-ugnayan ng iba’t ibang disiplina.

Gaganapin ang IBF 20 sa Room 1131 Palma Hall Pavilion 1 University of the Philippines Diliman, Oktubre 7, 2026. Mula 2:00 PM hanggang 4:00 PM.

Libre para sa lahat. Mangyaring magrehistro dahil limitado lamang ang bilang ng mga upuan sa venue.

Registration Link: https://surl.li/lbfvpm

Makiisa sa talakayan!

Kilalanin ang mga makakasama sa edisyon na ito:

Dr. John Andrew Evangelista
Department of Sociology, CSSP, UP Diliman
(Tagapagpadaloy)

John Andrew G. Evangelista, or Andoy (siya/he/she/they), is an Assistant Professor and currently the Chair of the Department of Sociology at the University of the Philippines (UP) Diliman. She holds a PhD in Sociology from The University of Hong Kong. Recognizing their outstanding teaching, he was awarded the UP Gawad Tsanselor Para Sa Natatanging Guro (UP Chancellor’s Award for Outstanding Teacher) in 2021.

Andoy’s published scholarship treats queerness as a critical and radical vantage point for theorizing society. She combines queer theories with southern and decolonial sociologies to analyze gender, sexuality, nationhood, political economies, globalization, modernity, social movements, and resistance. From the perspective of a queer activist, he engages in public sociology by writing opinion pieces on pressing social issues and by participating in organizing efforts focused on queer welfare.

Asst. Prof. Francisco Jayme Paolo A. Guiang, Department of History, CSSP, UP Diliman
(Tagapagsalita)

FRANCISCO JAYME PAOLO A. GUIANG is Assistant Professor at the Department of History, University of the Philippines Diliman. He has a Master of Philosophy in History degree from The Chinese University of Hong Kong, and a Master of Arts and Bachelor of Arts in History degrees from the University of the Philippines Diliman. His research interests broadly include the American colonial period in the Philippines, intellectual history, Philippine nationalist historiography, and studies on the Martial Law period in the Philippines, of which he has written several journal articles and book chapters.

Dr. Judy M. Taguiwalo Direktor, Philippine Center for Anti-Imperialist Studies (PCAIS)
(Tagapagsalita)
Si Dr. Judy Taguiwalo ay retiradong propesor ng Unibersidad ng Pilipinas Diliman sa Kolehiyo ng Gawaing Panlipunan at Pagpapaunlad ng Pamayanan at dating Kalihim ng Department of Social Welfare and Development (DSWD). Nagsilbi rin siyang UP Faculty Regent at Direktor ng UP Center for Women’s and Gender Studies.
Nagtapos siya ng BS Social Work (cum laude) at PhD sa Araling Pilipino sa UP Diliman, at may masterado sa Public Administration mula sa Carleton University sa Canada. Ginawaran siya ng Distinguished Alumni Award ng UP Alumni Association noong 2009 at ng Gawad Tandang Sora ng Lungsod Quezon noong 2024.
Dalawang ulit siyang naging bilanggong pulitikal noong panahon ng batas militar at nakulong nang may kabuuang tatlong taon at pitong buwan.
Kasalukuyan siyang Direktor ng Philippine Center for Anti-Imperialist Studies (PCAIS), kasapi ng Pambansang Komiteng Tagapagpaganap ng Bagong Alyansang Makabayan (BAYAN), miyembro ng Board of Trustees ng IBON Foundation, at convenor ng BIBA, TAMA NA, Bayan Tandang Sora Network (BTSN), at Seniors Kontra Kurakot (SKK). Siya rin ang may-akda ng Babae, Obrera, Unyonista at isa sa mga patnugot ng Serve the People: Ang Kasaysayan ng Radikal na Kilusan sa UP.

Mr. Angelo V. Suarez, Unyon ng mga Manggagawa sa Agrikultura
(Tagapagsalita)
Angelo V. Suarez is a writer. Among his more recent books is Philippine English: A novel, published by Gauss PDF in 2015. He volunteers for Unyon ng mga Manggagawa sa Agrikultura (Federation of Agricultural Workers), an anti-imperialist national democratic mass organization that struggles for genuine agrarian reform, food sovereignty, and living wages. He makes his living as an advertising copywriter.

Dr. Michael Francis C. Andrada, Departamento ng Filipino at Panitikan ng Pilipinas, CAL, UP Diliman
(Tagapagsalita)
Si Mykel Andrada ay propesor ng malikhaing pagsulat, panitikan, at Philippine Studies sa Unibersidad ng Pilipinas (UP) Diliman. Nag-aral siya ng BS Biology sa Unibersidad ng Santo Tomas, at nagtapos ng BA Malikhaing Pagsulat, MA Araling Pilipino, at PhD Filipino: Panitikan sa UP Diliman. Nagsilbi siyang Direktor ng UP Diliman Sentro ng Wikang Filipino (2019-2022). Isa siyang alternatibong mamamahayag at manggagawang pangkultura. Miyembro siya ng Seksyong Panitikan ng Surian ng Sining, Inc. (SUSI) at ko-editor ng Tapuzine. Inilathala nito lamang ng Anvil Publishing ang salin niya sa wikang Filipino ng awtobiograpiya ni Papa Francisco, ang Pag-asa. Awtor siya ng dalawang koleksiyon ng maikling kuwento, ang Apartment sa Dapitan at ang Sa Dulo ng mga Dalita. Bilang manggagawang pangkultura, naniniwala siyang mahalaga ang papel ng kultura gapiin ang imperyalismo, at na posible ang isang mundong malaya at mapagpalaya.

Visit our Social Media Platforms:
Website: https://panitikanph.com
Instagram: likhaan.upd.icw
TikTok: panitikanph
Spotify: Likhaan: UP Institute of Creative Writing https://rb.gy/jp5iw4
YouTube Channel: Likhaan: UP Institute of Creative Writing”

Source: Likhaan: University of the Philippines Institute of Creative Writing Facebook

Date
Oct 07 2026
Expired!
Time
2:00 pm - 4:00 pm