UP Alumni Website

Loading Events

« All Events

  • This event has passed.

“Fieldwork at Language Documentation sa Konteksto ng mga Wika sa Pilipinas”

October 15, 2022 @ 9:00 am - 5:00 pm



Alinsunod sa mandato nito na itaguyod ang Patakarang Pangwika ng UP, inilulunsad ng Sentro ng Wikang Filipino-UP Diliman (SWF-UPD) ang proyektong Pasinatì: Pagsasanay sa Wika, Teorya, at Metodolohiya. Mula sa wikang Sugbuanong Binisaya, ang salitang pasinatì, na nangangahulugang “iparanas,” ang siyang iniaangkop/itinutumbas sa palihan/workshop hinggil sa mga usapin sa wika, teorya, at metodolohiya na isinasagawa sa iba’t ibang akademikong larang.

Sa pakikipagtulungan sa Office for Initiatives in Culture and the Arts (OICA) at Departamento ng Linggwistiks, pambungad na Pasinatì ang “Fieldwork at Language Documentation sa Konteksto ng mga Wika sa Pilipinas.” Gaganapin ito sa 15 Oktubre (Sabado), 9:00 nu – 5:00 nh sa pamamagitan ng Zoom. Bahagi ang gawain ng pakikiisa ng SWF-UPD sa Pambansang Buwan ng mga Katutubo ngayong Oktubre.

Para sa mga nais lumahok sa buong araw na pagsasanay, magrehistro na sa pamamagitan ng pag-scan sa QR code o pag-akses sa link <https://bit.ly/PasinatiOnlineReg>. Sadyang nilimitahan ang slots para matiyak na magagabayan ang lahat. Aabisuhan sa mga susunod na araw ang mga mapipiling kalahok.

Source: Sentro ng Wikang Filipino – UP Diliman Facebook

Details

Date:
October 15, 2022
Time:
9:00 am - 5:00 pm