Tampok sa programang “Serbisyong Tatak UP” ng DZUP 1602 ang proyektong “Organic and Sustainable Farming: Fertilizers Using Materials at Home” na gaganapin sa Abril 17, Lunes, 11 n.u.-12 n.h.
Ito ay hatid ng UP Diliman (UPD) National Service Training Program (NSTP) Office, sa pakikipagtulungan ng DZUP 1602.
Makakasama rito si Rhayan Melendres, katuwang na propesor at instruktor ng NSTP Civic Welfare Training Service ng UPD Extension Programs in Pampanga and Olongapo.
Mapapanood ito nang live sa DZUP Facebook page at mapapakinggan sa https://dzup.org/.