Bilang paggunita sa ika-150 anibersaryo ng kapanganakan ni Rafael V. Palma, inaanyayahan ng UP Departamento ng Kasaysayan ang publiko na lumahok sa “Almá/Alma: Mga Lektura para sa Seskwisentenaryo ni Rafael V. Palma (1874 – 24 Oktubre – 2024).” Gaganapin ito sa 24 Oktubre 2024, Huwebes, sa Bulwagang Palma, Unibersidad ng Pilipinas Diliman, Lungsod Quezon. Libre ito bagaman limitado lamang ang slot. Magrehistro lamang sa link na ito: bit.ly/Palma150Alma.
Unang Bahagi: Mga Kaisipang Pang-Edukasyon ni Rafael Palma
Oras at Lugar: 24 Oktubre 2024, 10:00-11:30 NU, Silid Pilar Herrera, Bulwagang Palma, UP Diliman
Tagapanayam: Dr. Ernesto Lozano Fernandez, Dekano, Nazarene Theological Seminary—Peru, Chiclayo, Peru
Paksa: “Rafael Palma and Transformational Learning”
Ikalawang Bahagi: Si Palma at ang Agham at Kasaysayan
Petsa at Lugar: 24 Oktubre 2024, 1:00-2:30 NH, Silid PH 116-118, Bulwagang Palma, UP Diliman
Tagapanayam 1: Prop. Jaime B. Veneracion, PhD, UP Departamento ng Kasaysayan
Paksa: “Rafael Palma: Natatanging Historyador ng Kaniyang Panahon”
Tagapanayam 2: Kawaksing Propesor Ruel V. Pagunsan, PhD, Tagapangulo, UP Departamento ng Kasaysayan
Paksa: “Rafael Palma, the UP and the Making of National Science”
Ang programang pampublikong ito ay itinataguyod ng UP Departamento ng Kasaysayan at UP Kolehiyo ng Agham Panlipunan at Pilosopiya (KAPP), katuwang ang National Historical Commission of the Philippines. Bahagi rin ito ng pagdiriwang ng Linggo ng KAPP.
📷 Larawan ni Palma (ca. 1915) mula sa George Grantham Bain Collection ng U.S. Library of Congress; at larawan ng Gusaling Pang-administrasyon ng Unibersidad ng Pilipinas sa Maynila sa panahon ni Palma bilang pangulo nito. Kuha noong 1928. Mula sa U.S. National Archives and Records Administration
Source: UP Departamento ng Kasaysayan Facebook