- This event has passed.
“Ang Pagputok ng Bulkang Pinatubo sa Sining Kapampangan”

Inaanyayahan ang lahat na dumalo sa panayam ni JC Gaillard, propesor ng Heograpiya mula sa The University of Auckland, New Zealand. Gaganapin ito sa Ika-11 ng Abril 2025 (Biyernes), 6:00–7:30 ng gabi sa PAV 2 Geography Conference Room (Room 2246-2248), UP Diliman.
Tatalakayin niya ang paksa na “Ang Pagputok ng Bulkang Pinatubo sa Sining Kapampangan”, isang pagninilay sa sakuna gamit ang lente ng kultura at sining ng mga Kapampangan.
Makakasama rin sa programa sina Dr. Emmanuel Luna ng Philippine Academic Society for Climate and Disaster Resilience at Dr. Ramon “Bomen” Guillermo ng UP Center for International Studies bilang mga reactor.
Ang panayam ay bahagi ng mga inisyatibo ng UP Department of Geography at ng iba pang katuwang na programa at organisasyon. Bukas po ito sa lahat ng estudyante, guro, at lahat ng interesado.
Tara’t makinig at makibahagi sa makabuluhang talakayan!
Source: UP Department of Geography Facebook