
Kasama, ano ang kuwento mo ng katatagan? 🤗❤️🔥
Bilang paggunita sa UP Diliman Mental Health Advocacy Month 2025, inihahandog ng Office of the Vice Chancellor for Student Affairs (UPD OVCSA) ang “DayagKnows: Mga Kuwento ng Lakas at Pakikibaka tungo sa isang Ingklusibong Lipunan,” isang inclusivity advocacy-led discussion forum na gaganapin sa:
📅 Petsa: Oktubre 20, 2025 (Lunes)
⏰ Oras: 2:00 n.h. – 5:00 n.h.
📍 Lugar: Alcantara Hall (3F), Student Union Building, UP Diliman
Layunin nito ang mga sumusunod:
1️⃣Lumikha ng ligtas at nakakapagpalakas na plataporma para sa mga mag-aaral na may kapansanan at karagdagang pangangailangan (SWANS) na ibahagi ang kanilang mga personal na karanasan, kabilang ang pagkilala sa kanilang mga tagumpay at hamon na kinaharap.
2️⃣ Linangin ang mas malalim na pag-unawa at kamalayan hinggil sa lusog-isip at kapansanan sa pamamagitan ng pagbaka sa mga stereotypes, misconceptions, at pagsasawalang-bahala.
3️⃣ Pasimulan ang mga talakayan na magiging daan upang himukin ang unibersidad na maging tagapagtaguyod ng ingklusyon sa pamantasan.
Halina’t kilalanin natin ang karakas ng ingklusyon at tunghayan ang iba’t ibang paraan ng pakikibaka tungo sa mas mapagkalingang komunidad!✊♿🫂
Magrehistro rito:
🔗 bit.ly/registration-dayagknows
Poster by Lei Angelli Ortega
Text by Trizha Mae Pangilinan
Source: UP Diliman Office of the Vice Chancellor for Student Affairs Facebook