Gitara at Awit Para sa Lahat

Ang proyektong Gitara at Awit Para sa Lahat ay magtatapos sa isang pagtatanghal gamit ang limang nilikhang medley – OPM Medley, Protest Song Medley, Folk Song Medley, Praise and Worship Music Medley, at Community Music Medley – na sama-samang tutugtugin at aawitin ng mga kawaning administratibo, REPS, faculty, dependents ng kawani, mag-aaral, pati na rin ang iba pang miyembro ng UP Community mula sa mga manininda at residente ng Barangay UP Campus kasama ang mga guro at student volunteers ng programang Gitara at Awit. Ito ay gaganapin sa Mini Hall ng UP Kolehiyo ng Musika sa ika-24 (Martes) ng Pebrero, 6:30 N.G.
Para sa karagdagang katanungan, mangyaring mag e-mail kay Daniel Joseph Morabe sa [email protected]
Source: UP Kolehiyo ng Musika Facebook