- This event has passed.
“Kontra-Tiyempo: Babae, Panitikan, Bayan”


📖 KONTRA-TIYEMPO: BABAE, PANITIKAN, BAYAN 📖
Tatlo sa pinakamahuhusay at pinakamatatapang na babaeng manunulat sa Pilipinas, magkukuwentuhan! Inihahandog ng Larangan ng Panitikan, UP Departamento ng Filipino at Panitikan ng Pilipinas ang “Kontra-Tiyempo: Babae, Panitikan, Bayan.”
Makipagkuwentuhan tayo kina Luna Sicat Cleto, Ninotchka Rosca, at Mia Tijam ngayong Abril 24 (Huwebes), 3:00 n.h.-6:00 n.g. sa Palma Hall Pavillion 1131. Bukod sa bahaginan, may book sale ding magaganap sa araw na ito hatid ng University of the Philippines Press at Anvil Publishing. Maaari pang makapagpapirma ng libro at makapagpalitrato sa mga tampok na manunulat.
Kung nahulaan niyo rin ang may-akda ng mga ipinaskil na sipi, matatanggap ninyo sa mismong araw ng programa ang premyo na handog ng Likhaan: University of the Philippines Institute of Creative Writing.
Tara na’t dumalo at magpadalo!
Source: UP Departamento ng Filipino at Panitikan ng Pilipinas Facebook