Ang “Kumustahan at Talakayan: Mga Komite sa Wika ng UP Diliman (UPD)” ng UPD Sentro ng Wikang Filipino (SWF) ay gaganapin sa Abril 21, Biyernes, sa Silid 301 ng UPD Linangan ng Maliliit na Industriya (Institute for Small-Scale Industries).
Tatalakayin sa porum ang estado ng wikang Filipino sa UPD.
Mapapanood ang mga panayam na bahagi ng programa sa SWF YouTube channel.