[Public Lecture] Kung Ano ang Natutunan ko Bilang Manunulat sa Panonood ng K-Dramas Tungkol sa Kasaysayan (What I Learned as a Writer From Watching Historical K-Dramas)
📝 REGISTER HERE: https://bitly.ws/3cAXH
– Date and Time: Friday Feb 23 10:00-11:30
– Venue: UP Asian Center Seminar Room, 2/F GT Toyota Asian Cultural Center, UP Diliman
Katulad ng marami, nahumaling ako sa panonood ng K-drama sa panahon ng pandemya. Sa halos limampu (50) na napanood ko, at sa mga ito, naglista ako ng tatlumpu (30) na tungkol sa kasaysayan. Pagtutuunan ng pansin sa pampublikong lektyur na ito ang mga sumusunod: Una, ang paggamit sa mga kombensiyon ng romantikong naratibo sa pagtalakay sa dinanas ng sambayanan ng Korea dahil sa pananakop ng mga Tsino at Hapones at sa tunggalian ng mga uri. Ikalawa, ang paggigiit ng usaping kababaihan sa pamamagitan ng stratehiyang pagsalungguhit sa nakaraan at pangkasalukuyang mga pakikibaka. Ikatlo, ang pagsisiyasat sa kasiyahan o pleasure ng panonood, kahit na bilang Filipino, karamihan sa atin ay walang alam sa wika, kultura, at kasaysayan ng Korea. Sa pagbabahaging ito, nais kong bigyang-diin na ang pagtalakay ng K-Drama ay ginawa kapwa bilang tagahanga, feministang manunulat, at Filipinang namumuhay sa ibang bansa.
Tungkol sa Tagapagsalita:
Si Dr. Joi Barrios ay kasalukuyang Senior Lecturer sa University of California Berkeley. Awtor siya ng: apat na koleksiyon ng tula, kabilang na ang Ang Pagiging Babae ay Pamumuhay sa Panahon ng Digma, 1990 at Sa Aking Pagkadestiyero, 2022; koleksiyon ng nobeleta ng pag-ibig; koleksiyon ng dulang pangkababaihan; libro ng pananaliksik tungkol sa kababaihang mandudula, at tatlong teksbuk sa pagtuturo ng Filipino.
Bukod sa Palanca at CCP awards sa Panitikan, ilan sa karangalan niya ang TOWNS, (The Outstanding Women in the Nation’s Service), Tagahabi ng Kasaysayan (para sa 100 Kababaihan ng ika-20 siglo) mula sa Philippine Centennial Commission, Gawad Balagtas, at Dangal ng Panitikan mula sa KWF. Nag-aral siya ng dalawang taon sa Korean Studies Program ng Hannam University, Daejeon, Korea.
This event is FREE and OPEN TO THE PUBLIC.
Source: UP Korea Research Center Facebook