UP Alumni Website

Loading Events

« All Events

  • This event has passed.

‘Luwas ang Pulo!’: Sine at ang Kultura ng Panonood sa Gasan, Marinduque noong Dekada ‘60 – ‘70

September 25 @ 2:30 pm - 4:00 pm



Kadunong Lectures
‘Luwas ang Pulo!’: Sine at ang Kultura ng Panonood sa Gasan, Marinduque noong Dekada ‘60 – ‘70
Emmanuel Jayson V. Bolata
UP Department of History

===

“Pero maraming nanonood ng sine?” “Ah, huo, lalo na kung Pernandu [Fernando Poe, Jr.], luwas ang pulo dyan!” Ganito inilarawan sa isang panayam ang resepsyon sa pelikula nang magbukas ang sinehan sa Gasan, Marinduque noong dekada ’60. Bilang pagtatangka na bumuo ng kasaysayang pampook at panlipunan ng pelikula, gayundin ng “teyoryang pampelikula mula sa ibaba,” ilalahad sa papel na ito ang panimulang kasaysayan at kultura ng sine sa Gasan, isang bayan sa islang lalawigan ng Marinduque, mula dekada ’60 hanggang ’70.

Gamit ang mga panayam mula 2019 hanggang 2023 bilang primaryang batis, may dalawang bahagi ang papel. Una, isasalaysay ang kasaysayan ng sine sa Gasan: kabilang dito ang pagsibol at paghina ng mga sinehan, ang proseso ng eksibisyon at promosyon ng mga pelikula sa isla, ang buhay at kalagayan ng mga manggagawa ng sinehan, at ang mga panlipunan at ekonomikong kondisyon na nagsisilbing salalayan ng kultura ng panonood ng pelikula.

Ikalawa, maghahapag ng preliminaryong pagmumuni tungkol sa pampelikulang resepsyon ng mga taga-Gasan, na mahigpit na kaugnay ng maituturing nating “estetikang bayan” (folk aesthetics). Sa halip na maglunoy sa nakasanayang pagdiskurso sa “larang ng maganda” gamit ang kritisismong pampelikula ng mga akulturadong elit sa mga pambansang sentro, susubukang tuklasin ang estetikang bayang pampelikula ng Gasan sa pamamagitan ng paghahanap ng magkakatagni’t magkakatulad na elemento sa iba pang nakagisnang anyong pansining sa pulo, tulad ng panitikan at dulaan.

Source: UP CSSP Folklore Studies Program Facebook

Details

Date:
September 25
Time:
2:30 pm - 4:00 pm