UP Alumni Website

Loading Events

« All Events

  • This event has passed.

OPEN Talk Episode 29: Anong Diskarte Mo?: Malikhaing Pagtugon sa Pang-araw-araw na Hamon

January 26, 2023 @ 10:00 am - 11:00 am



Ating bubuksan ang 2023 sa pag-uusap tungkol sa “diskarte” bilang malikhaing pagtugon sa mga suliranin at hamon sa buhay. Ano nga ba ang diskarte? Kailan ba natin ito naipapakita? At paano natin maiiwasan ang masamang paggamit nito, kung sakali?

Ating alamin ang sagot sa mga tanong na ito sa OPEN Talk episode na pinamagatang “Anong Diskarte Mo?: Malikhaing Pagtugon sa Pang-araw-araw na Hamon.”

Ang episode na ito ay nabuo sa pakikipagtulungan sa Pambansang Samahan sa Sikolohiyang Pilipino (PSSP). Makakasama natin sa diskusyon ang mga katuwang ng propesor mula sa Departamento ng Sikolohiya, UP Diliman:
• Dr. Adrianne John R. Galang
• Prop. Marie Rose H. Morales

Ang tagapagpadaloy ay si G. Henmar C. Cardiño, instruktor mula sa Unibersidad ng Santo Tomas at Ingat-Yaman ng PSSP.

Mapapanood ang OPEN Talk: “Anong Diskarte Mo?: Malikhaing Pagtugon sa Pang-araw-araw na Hamon.” sa ika-26 ng Enero 2023 (Huwebes), mula ika-10:00 hanggang ika-11:00 ng umaga (GMT+8) sa networks.upou.edu.ph/opentalk at sa https://www.facebook.com/UPOpenUniversityNetworks

Details

Date:
January 26, 2023
Time:
10:00 am - 11:00 am