Loading Events

« All Events

  • This event has passed.

Paano Mo Nasabing Tama? Examining Moral Reasoning Using a Cultural-Developmental Approach

September 19 @ 4:00 pm - 7:00 pm



Paano Mo Nasabing Tama? Examining Moral Reasoning Using a Cultural-Developmental Approach

How can people say that something is right or wrong, and how does this reasoning change throughout our lives? This question has been addressed by theories and research on the development of moral reasoning for decades, but they have often left culture and power out of the conversation. This lecture discusses how we can extend our understanding of moral reasoning in a way that integrates culture and power, with an example of research on urban Filipino young adults. It also tackles issues of changing and often conflicting perspectives about right and wrong in the context of a rapidly changing Filipino society and explores ways to bridge these viewpoints to promote our collective good.

———————————————————————————————————

Paano natin masasabi na tama o mali ang isang bagay, at paano nagbabago ang pangangatwirang ito sa panghabambuhay? Marami nang mga teorya at pananaliksik na sinubukang sagutin ang tanong na ito tungkol sa pag-unlad ng moral na pangangatwiran, ngunit madalas nawawala sa usapan ang kultura at kapangyarihan. Tatalakayin sa sesyong ito kung paano maaaring mapalawak ang pagkaunawa tungkol sa moral na pangangatwiran sa paraang nakapaloob ang kultura at kapangyarihan, gamit ang halimbawa ng isang pananaliksik sa ilang kabataang Pilipino sa Metro Manila. Pag-uusapan din ang mga isyu ng mga nagbabago at kadalasang nababanggaang mga pananaw tungkol sa tama at mali sa kotenksto ng mabilis na nagbabagong lipunang Pilipino, at sisiyasatin ang mga paraan upang matulay ang mga pananaw na ito tungo sa ikabubuti ng kolektibo.

Samahan niyo kami sa Asuncion Miteria Austria Professorial Chair Lecture ni Dr. Danielle Ochoa sa 19 Setyembre 2025 (Biyernes), 4:00 n.h. – 7:00 n.g., sa Lagmay Hall Room 304, UP Diliman at FB Live. Ito ay libre at bukas sa lahat.

Magpatala dito: https://tinyurl.com/AMAMora

Source: University of the Philippines, Department of Psychology Facebook

Details

  • Date: September 19
  • Time:
    4:00 pm - 7:00 pm