- This event has passed.
Pag-ibig at Wika: Kalipunan ng mga Awiting Pilipino

Ang muling pagtatanghal!
Inihahandog ng Aklatan ng Kolehiyo ng Musika kaisa ang Department of Voice, Music Theater, and Dance, UP Voice and Music Theater Guild, at ang Art of Accompaniment Class ni Dr. Ena Maria Aldecoa at Dr. Michelle C. Nicolasora, sa direksyon ni Propesor Rica L. Nepomuceno, ang panibagong yugto ng Music Library Matineé na may temang Pag-ibig at Wika: Kalipunan ng mga Awiting Pilipino.
Sa darating na 20 Agosto 2025, sa ganap na 11:30 n.u., ang aklatan ay muling magsisilbing entablado upang masaksihan ang iba’t ibang pagtatanghal ng mga mag-aaral mula sa kolehiyo.
Ang Music Library Matineé ay isang proyekto na sinimulan ng Aklatan ng Kolehiyo ng Musika noong 20 Agosto 2024, upang isulong ang mga natatanging koleksiyon nito sa pamamagitan ng mga pagtatanghal sa larangan ng musika. Isang paraan din ito ng aklatan upang ipakilala ang kanilang pasilidad bilang “third place/space” sa mga mag-aaral at guro hindi lamang ng kolehiyo, kundi ng buong unibersidad.
Source: UP College of Music Library Facebook