UP Alumni Website

Loading Events

« All Events

  • This event has passed.

Paglaya sa Tanikala: Buhay ng mga Babaeng Bilanggong Politikal

March 15 @ 2:00 pm - 3:00 pm



Ngayong Marso, sa pagdiriwang ng Buwan ng Kababaihan, ihahatid ng Sentro ng Wikang Filipino-UP Diliman (SWF-UPD) at Center for Open and Digital Teaching and Learning ng UP Open University (UPOU-CODTL) ang ikatlong episode ng talaSalitaan Online: Talakayan sa Wikang Filipino, Akademya, at Bayan. Bibigyang-tuon sa programa ang karanasan at hamon ng mga babaeng bilanggong politikal. Sino nga ba ang isang bilanggong politikal? Ano ang karaniwang pamamalagay sa kanila? Paano maiuugnay ang buhay ng isang babaeng bilanggong politikal sa pakikibaka ng kababaihan sa Pilipinas at sa daigdig?

Magsisilbing mga Tagapagsalita sina: (1) Dr. Jonathan V. Geronimo, Katuwang na Propesor, UP Departamento ng Filipino at Panitikan ng Pilipinas, at (2) Bb. Fides Lim, Tagapagsalita, KAPATID – Families and Friends of Political Prisoners. Tatayong Tagapagpadaloy ang Kawaksing Mananaliksik ng SWF-UPD na si G. Lari Sabangan.

Halina’t makilahok sa isang oras na talakayan tungkol sa wikang Filipino, akademya, at bayan! Mapapanood ito nang live sa 15 Marso 2024 (Biyernes), 2:00 nh – 3:00 nh sa SWF-UPD platforms <https://www.facebook.com/@swfupdiliman> <https://www.youtube.com/@swfupd> at sa UPOU platforms <https://www.facebook.com/UPOpenUniversityNetworks> <networks.upou.edu.ph/talasalitaan-online>

Source: Sentro ng Wikang Filipino – UP Diliman Facebook

Details

Date:
March 15
Time:
2:00 pm - 3:00 pm