UP Alumni Website

Loading Events

« All Events

  • This event has passed.

Paglulunsad at Paggawad 2023

August 30, 2023 @ 2:00 pm - 5:00 pm



Inaanyayahan ang lahat sa mga gawain ng Sentro ng Wikang Filipino – UP Diliman (SWF-UPD) sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika 2023 na may temang 𝗦𝘂𝗹𝗼𝗻𝗴: 𝗪𝗶𝗸𝗮𝗻𝗴 𝗙𝗶𝗹𝗶𝗽𝗶𝗻𝗼 𝘀𝗮 𝗣𝗮𝗺𝗯𝗮𝗻𝘀𝗮𝗻𝗴 𝗞𝗮𝘂𝗻𝗹𝗮𝗿𝗮𝗻 𝗮𝘁 𝗣𝗮𝗻𝗱𝗮𝗶𝗴𝗱𝗶𝗴𝗮𝗻𝗴 𝗨𝗴𝗻𝗮𝘆𝗮𝗻.

𝗣𝗮𝗴𝗹𝘂𝗹𝘂𝗻𝘀𝗮𝗱 𝗮𝘁 𝗣𝗮𝗴𝗴𝗮𝘄𝗮𝗱 𝟮𝟬𝟮𝟯. Pampinid na programa ng SWF-UPD para sa paglulunsad ng publikasyon sa Aklatang Bayan at mga journal na Agos at Daluyan. Ipapakilala rin dito ang bagong SWF-UPD website, e-Tulay Filipino (MOOC Bridge Filipino), at Saliksikang Filipino Resource Center.

Magbibigay rin ng pagkilala sa mga ilang saliksik at malikhaing akdang inilathala ng SWF-UPD sa ilalim ng Gawad SWF at bubuksan ang panawagan para sa Gawad Saliksik at Gawad Teksbuk. Ang iba pang pabatid kaugnay nito ay makikita sa SWF-UPD FB page sa mga susunod na araw.

Nawa’y makasama namin kayo sa mga gawain ng SWF-UPD ngayong Agosto 2023.

Source: Sentro ng Wikang Filipino Facebook

Details

Date:
August 30, 2023
Time:
2:00 pm - 5:00 pm