
MAGPATALA NA!
Sa patuloy na pagsusulong sa Patakarang Pangwika ng UP para sa pagpapalaganap at pagpapaunlad ng wikang Filipino bilang midyum ng pagtuturo, pananaliksik, publikasyon, at opisyal na komunikasyon, binubuksan ng Sentro ng Wikang Filipino – UP Diliman (SWF-UPD) ang rehistrasyon para sa panibagong Pasinatì: Pagsasanay sa Wika, Teorya, at Metodolohiya na “Wika at Espasyo: Lapit at Metodo sa Tanawing Pangwika.”
Gaganapin ito sa 22 Pebrero 2025 (Sabado) 9:00 nu – 4:00 nh sa pamamagitan ng Zoom. Nilalayon ng lektura-palihang ito na ipakilala sa mga kalahok ang lapit at metodo ng Linguistic Landscapes (LL), isang sangay sa sosyolingguwistika na sumusuri sa biswal na paglalantad ng wika sa mga publikong espasyo.
Para sa mga interesadong lumahok sa pagsasanay, magpatala lamang sa pamamagitan ng pag-scan sa QR Code o pag-akses sa link bit.ly/Pasinati8_22Peb2025.
Limitado lamang ang slot ng workshop para matiyak na produktibo ang palihan. Antabayanan ang paanyaya sa inyong email para sa mga mapipiling kalahok.
Source: Sentro ng Wikang Filipino – UP Diliman Facebook