MAGPATALA NA!
Sa patuloy na pagsusulong sa Patakarang Pangwika ng UP para sa pagpapalaganap at pagpapaunlad ng wikang Filipino bilang midyum ng pagtuturo, pananaliksik, publikasyon, at opisyal na komunikasyon, binubuksan ng Sentro ng Wikang Filipino – UP Diliman (SWF-UPD) ang rehistrasyon para sa panibagong Pasinatì: Pagsasanay sa Wika, Teorya, at Metodolohiya na “Ekokritisismong Filipino.”
Gaganapin ito sa 28 Setyembre 2024 (Sabado) 9:00 nu – 4:00 nh sa pamamagitan ng Zoom. Nilalayon ng lektura-palihang ito na ipakilala ang mga batayang perspektiba at lapit sa ekokritisismong nakatuon sa kontekstong Filipino.
Para sa mga interesadong lumahok sa pagsasanay, magpatala lamang sa pamamagitan ng pag-scan sa QR Code o pag-akses sa link https://bit.ly/Pasinati7.
Limitado lamang ang slot ng workshop para matiyak na produktibo ang palihan. Antabayanan ang paanyaya sa inyong email para sa mga mapipiling kalahok.
Source: Sentro ng Wikang Filipino – UP Diliman Facebook