- This event has passed.
Peryahang Diliman
February 5 @ 8:00 am - February 6 @ 5:00 pm

Salubungin natin ang Pebrero sa pamamagitan ng Peryahang Diliman, ang paglulunsad ng UP Diliman Arts and Culture Festival 2026! 🎪
Ang Seremonya ng Pagbubukas ay gaganapin sa Pebrero 5, 2026, 8:30n.u., sa tapat ng UP Carillon Plaza.
Sama-sama nating ipagdiwang ang kahalagahan ng iba’t ibang anyo ng kaalaman, karanasan, at pagpapahayag na humuhubog sa ating komunidad sa isang buong buwan ng sining, kwentuhan, galawan, at sama-samang karanasan.
Makilahok. Makibahagi. Kumilos.
Kasama ka.
Bisitahin lamang ang bit.ly/UPDACF2026 para sa iba pang detalye. 🎪
Poster by Lianda Garcia
Source: UP Diliman OICA Facebook