Makibahagi sa webinar na “Responsible Use of Generative AI in STEM Education” ng UP Diliman National Institute for Science and Mathematics Education Development sa Mayo 12, Biyernes, 3-5 n.h., sa pamamagitan ng Facebook Live.
Mapapanood ito sa KaSaMa Teachers Community (KTC) Facebook page.
Para sa mga nais makatanggap ng e-certificate, magrehistro lamang sa http://bit.ly/ktc-12May2023.
Inaanyayahan naman ang mga guro ng agham at matematika na sumali sa KTC at magsign-up sa https://bit.ly/KTC3_0-Sign-up.