Sa pagpasok ng bagong taon, muli nating narinig ang lumang tugtugin ng Charter Change o panukalang pagbabago ng saligang batas. Sa pananaw ng mga namumuno sa administrasyong Marcos Jr., ang pagpapalit ng mga pang-ekonomikong probisyon sa Konstitusyon ang sagot sa nararanasang krisis sa ekonomya at pulitika.
Ngayong Enero 23, Martes, 3:00-5:00 ng hapon, pakinggan sina Faculty Regent Carl Marc Ramota at former ACT Teachers Partylist Representative Antonio Tinio sa “Rewind: Charter Change under the Marcos Jr. administration,” unang Talakayan o Talastasang Akademya at Bayan ng Opisina ng Faculty Regent ngayong 2024, kasama ang All U.P. Academic Employees Union at ACT Teachers Party-List.
Gaganapin ito sa Offices of the Sectoral Regents, rooms 403-404, Student Union Building, UP Diliman, at mapapanood sa Zoom gamit ang link na ito: https://up-edu.zoom.us/…/tJ0sf-igqTooGdVgNOVb…
Source: Opisina ng Faculty Regent Facebook