Sa Kanila Lang Ba Ang Dagat? Exhibit


Sa Kanila Lang Ba Ang Dagat?
Isang Exhibit sa Pang-araw-araw na Buhay ng Kababaihang Mangingisda sa Gitna ng Reclamation Project
Ang tabing dagat ang kanilang tahanan, ang lambat ang kanilang buhay, at ang bawat alon ay saksi sa kanilang pag-asa at pagod. Ngunit sa ngalan ng “kaunlaran,” unti-unti itong kinukuha, winawasak, at tinatanggal sa kanila.
Sa larawang kuha ng kababaihang mismong bumubuhay sa dagat, nakikita natin ang mga kwento ng pagmamahal sa tahanan, pangangalaga sa komunidad, at ang matibay na pagtindig sa kabila ng panganib at kawalan.
Ito ay kwento ng pagkawala, ngunit higit sa lahat, kwento ng katatagan at paglaban.
📍 CSWCD Courtyard, UP Diliman
📅 December 15–17, 2025
🕑 Exhibit Launch: December 15 | 2–4 PM
Halina’t maranasan ang dagat sa kanilang mata…
Source: UP Department of Women and Development Studies Facebook