Mga bata at magulang, magkita-kita tayong muli sa Sabado sa Sulok Batibot ngayong linggo, Peb. 24, 2024!
Imbis na umaga, gaganapin ito sa hapon, alas-2 hanggang alas-5 ng hapon. Magkikitaan muna sa UP DGO Conference Room at pagkatapos ng maikling oryentasyon, tutungo sa outdoor venue para sa mga palaro at aktibidad. Ang aktibidad na ito ay libre at bukas sa mga magulang na manggagawa (contratual o non-contractual), student, REPS, at propesor ng UP.
Para sa mas mabuting daloy ng ating aktibidad, inihanda namin ang ilang mga tagubilin:
1. Magsuot ayon sa color coding batay sa age group ng mga bata:
Edad 2-4 – magsuot ng puti
Edad 5-7 – magsuot ng pula
Edad 8-12 – magsuot ng asul
Inaasahang makiisa ang mga magulang at iba pang kasamang matanda sa mga aktibidad at sa pagpapanatili ng kaayusan ng programa.
2. Hinihikayat na magdala ng healthy snacks for sharing. Magdala rin ng tubig at sariling tumbler.
3. Dahil sa labas gaganapin ang aktibidad, magsuot ng jogging pants/pantalon/kumportableng kasuotan. Maaaring magdala ng sariling mosquito patch/lotion at sun block. Iwasan din ang pagsuot ng accessories sa mga bata (necklace, earrings, wristwatch) para maiwasan ang mga disgrasya.
4. Magsisimula ang aktibidad sa tamang oras. Magkakaroon ng preliminaries sa UPDGO Office kaya’t iwasang ma-late. Magbubukas ang UPDGO office ng 1:30pm.
Tara! Maaaring mag-preregister sa link na ito:
https://forms.gle/jprJjdAt4w4jEF569
Para sa mga katanungan, maaaring magchat sa aming page o mag-email sa [email protected].
Kitakits! 🤸♀️
Source: UP Diliman Gender Office Facebook