Loading Events

« All Events

SICAP 2026: Sama-samang tagumpay sa karera

February 13 @ 1:00 pm - 5:30 pm



Malugod naming inaanyayahan ang mga mag-aaral at alumni na makilahok sa “SICAP 2026: Sama-samang tagumpay sa karera” sa Pebrero 13, Biyernes, 1:00–5:30 n.h. sa UP Theater Main Hall Lobby.

Ang Serbisyo sa Iskolar: Career Applications and Preparation 2026 ay isa sa mga palihan na kabilang sa mga programa ng UP Diliman OICA Arts and Culture Festival 2026, na may temang “Isang Unibersidad para sa Inklusibo at Mapagkalingang Lipunan.” Layunin ng palihan na matulungan ang mga mag-aaral at alumni na mas maging handa sa buhay sa labas ng Unibersidad—mula sa pribado at pampublikong sektor hanggang sa malikhaing industriya.

Ito ay inorganisa ng UP Diliman (UPD) Alumni Relations, kasama ng UPD Office of the Vice Chancellor for Academic Affairs, Diliman Information Office, at Office for Initiatives in Culture and the Arts.

Magparehistro rito: bit.ly/SICAP2026.

Para sa mga katanungan, magpadala ng mensahe sa [email protected].

Source: UP Diliman Alumni Relations Facebook

Details

  • Date: February 13
  • Time:
    1:00 pm - 5:30 pm