UP Alumni Website

Loading Events

« All Events

  • This event has passed.

Sining Makiling Gallery PAGDIRIWANG Lutu-lutuan at Salu-salo

May 4, 2023 @ 3:00 pm - 6:00 pm



ILIHAN WORKSHOP (Paghahanap sa Tunay na Tahanan)

PAGDIRIWANG

4 May 2023, 3PM to 6 PM
SINING MAKILING GALLERY
D.L. Umali Hall, UPLB

Nagsisimula sa kawa ang kawanggawa. Magluluto tayo ng gulay-based pinoy dishes sa pamumuno nina Nanay Glo Melencio at Rosa Mirasol, sa tulong ng Elbidyetaryan! Pagkatapos, magsasalu-salo tayo sa pagkain at kwentuhan sa karanasan natin sa pagdanas ng ILI.

Tuloy na tuloy na rin ang potluck ng mga gulay! Magdala ng alinman sa sumusunod: luya, kalabasa, talong, pechay, carrots, repolyo, celery, pipino, kalamansi, tofu, gata, coconut oil, edible flowers o kahit anong prutas for sharing.

Magdala rin ng sariling baunan, kubyertos, at inuman; chopping board at kutsilyo kung meron rin kayo. Magsuot tayo ng apron para kyut (pero optional din ito).

Ili ang ako, ikaw at tayo. Ritwal sa pagwawakas ng pisikal na eksibit at simula ng pagdiriwang sa pagkilala ng kapwa at sarili ang ating salu-salo.

Register here: http://bit.ly/PauwiNaSaILI

Halika, sabay-sabay nating ipagdiwang ang pag-uwi ng bawat isa! 🌊

Source: UPLB Office for Initiatives in Culture and the Arts Facebook

Details

Date:
May 4, 2023
Time:
3:00 pm - 6:00 pm