- This event has passed.
Tagubilin: The Life Lessons of Gregoria de Jesus

Tunghayan ang eksibisyon para sa ika-150 anibersaryo ng kapanganakan ni Gregoria de Jesus na inihanda ng National Historical Commission of the Philippines (NHCP) na may pamagat na Tagubilin: The Life Lessons of Gregoria de Jesus. Tampok dito ang mga piling likhang-sining na nagbibigay interpretasyon sa mga aral ng Lakambini ng Katipunan.
Papasinayaan ang eksibisyon sa ika-20 ng Agosto (Miyerkules) sa ganap na 11 AM sa Bulwagang Palma (Palma Hall Lobby), UP Diliman. Mananatiling bukas sa publiko ang exhibit hanggang Agosto 27, 2025 sa Bulwagang Palma, UP Diliman.
Ang gawaing ito ay bahagi ng pagdiriwang ng Isandaan at Labinlima: Kasaysayan at Kabuluhan ng Departamento at Buwan ng Kasaysayan ngayong Agosto.
Source: UP Departamento ng Kasaysayan Facebook