Sa pagtutulungan ng Sentro ng Wikang Filipino-UP Diliman (SWF-UPD) at Center for Open and Digital Teaching and Learning ng UP Open University (UPOU-CODTL), inihahatid ngayong Buwan ng Wika 2023 ang pilot episode ng online magazine show na talaSalitaan online: Talakayan sa Wikang Filipino, Akademya, at Bayan. Ang Talasalitaan ay regular na talakayan na isinasagawa ng Sentro ng Wikang Filipino-UP Diliman (SWF-UPD) na nagtatampok ng iba’t ibang paksa o isyu na may kaugnayan sa wikang Filipino mula sa iba’t ibang disipina. Nagbabanyuhay ito sa anyong online para sa maipahatid sa nakararami ang mga napapanahong usapin sa wikang Filipino at ang kaugnayan nito sa mga pangyayari sa akademya at bayan.
Para sa unang episode, magbibigay-tuon ang programa sa Palisi sa Wika sa Unibersidad ng Pilipinas. Tatlumpu’t apat na taon makalipas ang pagtatakda ng patakaran, kumusta na ang estado ng wikang Filipino sa UP? Ano ang kasalukuyang sitwasyong pangwika ng Unibersidad at ano-ano ang mga salik na nagbunsod ng ganitong kalagayan? Paano kaya mapag-iibayo pa ang pagsusulong ng wikang Filipino sa loob at labas ng UP?
Magsisilbing mga Tagapagsalita sina:
-Dating Direktor ng SWF-UPD Dr. Galileo S. Zafra; at
-Propesor sa Pagpaplanong Pangwika at Araling Pilipino Dr. Melania L. Flores.
Tatayong Tagapagpadaloy naman ang kasalukuyang Direktor ng SWF-UPD, Dr. Jayson D. Petras.
Halina’t makilahok sa isang oras na talakayan tungkol sa wikang Filipino, akademya, at bayan! Mapapanood ito nang live sa 18 Agosto 2023, 2:00-3:00nh sa networks.upou.edu.ph/talasalitaan-online, sa https://www.facebook.com/UPOpenUniversityNetworks, at sa https://www.youtube.com/@swfupd
Source: UPOU Networks Facebook