UP Alumni Website

Loading Events

« All Events

TalaSalitaan Online: Talakayan sa Wikang Filipino, Akademya, at Bayan

January 17 @ 2:00 pm - 3:00 pm



Sa pagtutulungan ng Sentro ng Wikang Filipino – UP Diliman at Center for Open and Digital Teaching and Learning ng UP Open University (UPOU), at pakikiisa ng mga ekspertong mamamahayag at guro sa bansa, inihahatid ang ikaanim na episode ng TalaSalitaan Online: Talakayan sa Wikang Filipino, Akademya, at Bayan.

Alamin ang papel ng wikang Filipino bilang sandata laban sa paglaganap ng maling impormasyon (fake news).

Magsisilbing mga Tagapagsalita sina:

1. Kat. Prop. Kara Patria David, Katuwang na Propesor at Tagapangulo, Departamento ng Peryodismo, Kolehiyo ng Komunikasyong Pangmadla, UP Diliman at Mamamahayag-Dokumentarista, GMA News and Public Affairs;
2. G. Abner Mercado, Lektyurer, UP Diliman at Mamamahayag, ABS-CBN News; at
3. G Jervis Manahan, Mamamahayag, ABS-CBN News

Tatayong Tagapagpadaloy si G. Lari Sabangan, Kawaksing Mananaliksik ng Unibersidad, Sentro ng Wikang Filipino-UP Diliman.

Halina’t makilahok sa isang oras na talakayan tungkol sa wikang Filipino, akademya, at bayan!

Mapapanood ito nang live sa 17 Enero 2025 (Biyernes), 2:00 nh – 3:00 nh sa SWF-UPD platforms [https://www.facebook.com/swfupdiliman], [https://www.youtube.com/@swfupd] at sa UPOU platforms [https://www.facebook.com/UPOpenUniversityNetworks] [networks.upou.edu.ph/talasalitaan-online].

Source: UPOU Networks

Details

Date:
January 17
Time:
2:00 pm - 3:00 pm