Loading Events

« All Events

  • This event has passed.

Therapeutic Synergy: Investigating the Role of Client-Therapist Congruity and Complementarity on Alliance and Outcomes

May 19 @ 3:00 pm - 5:00 pm



Swak ba tayo? Ito ay makabuluhang tanong na maaaring madalas pag-isipan ng mga kliyente at ng kanilang mga therapist tungkol sa kanilang ugnayan sa sikoterapiya.

Ang ugnayan sa pagitan ng kliyente at therapist ay isang mahalagang salik sa proseso ng sikoterapiya. Binibigyang-diin sa mga pag-aaral na ang tibay ng ugnayan ay maaasahang tagapagpahiwatig ng positibong kahihinatnan sa sikoterapiya. Kaakibat nito, ang pagtutulad ng karanasan at katangian ng kliyente at therapist at ang pagkakasundo sa kabila ng pagkakaiba ng mga ito ay nakikitang may kinalaman sa paghulma ng kanilang ugnayan at pagpapadaloy ng kaginhawaan. Ang pagtutulad ay kadalasang may ginagampanan sa panimulang pakikitungo at pakikipagpalagayang-loob, samantalang ang pagkakasundo ay maaaring magdulot ng mas malalim na pag-unawa at pangmatagalang pag-unlad ng sarili.

Sa kabila ng kahalagahan ng mga konseptong ito, nananatiling kulang ang mga pananaliksik tungkol rito. Ang pagsusuri sa kung paano nakatutulong ang mga dimensyong ito sa pagbuo ng ugnayan at tagumpay sa sikoterapiya ay maaaring magbigay ng mahahalagang pananaw para sa pagtutugma ng kliyente at therapist, pagsasanay klinikal, at mga pamamaran ng sikoterapiya.

Samahan niyo kami sa Asuncion Miteria Austria Professorial Chair Lecture ni Dr. John Robert C. Rilvera sa 19 Mayo 2025 (Lunes), 3:00 n.h. – 5:00 n.h., sa Lagmay Hall Room 304, UP Diliman at FB Live. Ito ay libre at bukas sa lahat.

Magpatala dito: bit.ly/AMASynergy o https://forms.gle/k6LgvrKhr1VdJ5f8A

Source: University of the Philippines, Department of Psychology Facebook

Details

  • Date: May 19
  • Time:
    3:00 pm - 5:00 pm