Sa patuloy na paggunita sa ika-limampung (50) taon ng pagkakatatag ng Orden ng mga Pambansang Alagad ng Sining, isang pagbibigay pugay na produksyon sa dating Artistic Director ng Tanghalang Metropolitan at Pambansang Alagad ng Sining para sa Teatro, Antonio Ocampo Mabesa na mas kilala bilang Tony Mabesa.
Si Tony Mabesa ang nagtatag ng Dulaang UP (DUP) noong 1976, ang UP Playwright’s Theater noong 1980, at ang Angeles University Foundation Repertory Theater noong 2005. Nakalikha siya ng higit sa 170 na iba’t ibang mga produksyon at humubog sa ilan sa mga pinakakilalang artista sa teatro sa bansa, kabilang sina Dolly de Leon, Frances Makil-Ignacio, Shamaine Buencamino, Eugene Domingo, Centenera Ayen Munji-Laurel, Dennis Marasigan, Adriana Agcaoili, Candy Pangilinan, Ross Pesigan at marami pang iba
Tara na at makibahagi sa pagdiriwang na ito!
Mapapanood ang Tonight for Tony sa darating na ika-11 ng Pebrero sa ganap na ika-7 ng gabi.
Magpatala sa link na nasa ibaba upang makapanood ng libre:
LINK: http://bit.ly/3RdCYVP
#METNatinTo
Source: The Metropolitan Theater Facebook