- This event has passed.
UP Diliman Health Service 96th Anniversary


π PAANYAYA: Libreng Laboratory Tests, Mga Panayam Pangkalusugan, at Dance Workout!
Bilang bahagi ng aming Ika-96 Anibersaryo, inaanyayahan namin ang buong komunidad ng UP Diliman na makiisa sa isang buong araw ng serbisyong pangkalusugan, edukasyon, at kasayahan! π©ΊπΊ
π Mga Gawain:
β
Libreng Laboratory Tests (70 Fasting Blood Sugar, 20 Uric Acid, 20 Cholesterol)
β
Mga Panayam Pangkalusugan
β
Health Services Booths
β
PhilHealth Yakap Booth
β
Ankle Brachial Index (Screening para sa Peripheral Artery Disease)
β
Wellness Dance Workout (hapon) πΊπ
π£ Ang mga empleyadong dadalo ay maaaring ituring ang kanilang pagdalo bilang bahagi ng kanilang opisyal na oras (official time). Mangyaring ipagbigay-alam sa inyong yunit o opisina para sa wastong koordinasyon.
Mga Paalala:
1. Ang mga nais sumailalim sa libreng laboratory test ay kailangang mag-fasting ng 10 oras bago ang pagkuha ng dugo. Ito rin ay gagawin sa First Come, First Served basis.
2. Magkakaroon ng pamimigay ng libreng Metformin (500 mg) at Propranolol (10 mg) sa mga nangangailangan ng mga ito. Mangyaring magdala lamang ng INYONG RESETA ng mga nabanggit na gamot.
3. Para sa mga nais magparehistro sa PhilHealth Yakap, may nakatalagang booth para dito sa mismong araw ng event.
4. May ipamimigay na freebies at miryenda sa umaga at hapon!
5. Hinihikayat ang lahat na magsuot ng komportableng damit o workout attire para makilahok sa Dance Workout sa hapon!
Sa loob ng 96 na taon, naging katuwang ninyo kami sa pangangalaga ng kalusugan. Sa pagdiriwang na ito, taos-puso naming inihahandog ang aming pasasalamat at patuloy na paglilingkod. β€οΈ
Source: UP Diliman Health Service Facebook