Inihahandog ng UP Law Center Institute of Human Rights (UP IHR), sa pakikipagtulungan ng UP Kolehiyo ng Arte at Literatura, ang serye ng Panayam-Talakayan na gaganapin sa ika-21 at 22 ng Mayo 2024 mula 8:00 ng umaga hanggang 12:00 ng tanghali. Ang unang bahagi na pinamagatang “Tiyawan bërab Dowoy: Paghuhusay at Sistemang Pangkatarungan,” ay gaganapin sa ika-21 ng Mayo sa 1st Floor Lecture Room, Bocobo Hall, UP Law Center, UP Diliman. Ang ikalawang bahagi ng serye na pinamagatang “Non-Moro Indigenous Peoples at ang IP Code: Identidad, Bayan, at Kababaihan sa BARMM,” ay gaganapin naman sa ika-22 ng Mayo sa Malcolm Theater, Malcolm Hall, UP College of Law, UP Diliman.
Ang mga aktibidad na ito bahagi ng programang “Suwala Sëkëlungon: Tinig at Talinghaga ng mga Dunong Tëduray at Lambangian” mula sa UP Diliman Culture Bearers-in-Residence Program ng Opisina ng Tsanselor. Ang serye ng Panayam-Talakayan ay susundan ng “Fëgëtaw: Pangwakas na Programa” sa ika-22 ng Mayo, sa ganap na 1:00 hanggang 3:00 ng hapon sa Malcolm Theater, Malcolm Hall, UP College of Law, UP Diliman.
Inaanyayahan ang lahat na makiisa at makilahok sa mga talakayang ito upang mas mapalawig ang mga usaping may kinalaman sa ating mga katutubo at kultura, bilang bahagi na rin ng pagdiriwang ng National Heritage Month.
Maaaring mag-register sa pamamagitan ng link na ito: https://uplaw.ph/upihrculturebearersevents.
Source: University of the Philippines College of Law Facebook