Inaanyayahan ng UP Office for Athletics and Sports Development ang lahat na makibahagi sa “#UPFight: Isang Pagdiriwang ng Utak at Pusong Palaban!” sa Pebrero 9, 4 n.h., sa UP Theater, UP Diliman.
Ito ay bilang pagbibigay-pugay sa mga iskolar-atleta ng UP at upang ipagdiwang ang kanilang mga nakamit na tagumpay sa unang semestre ng University Athletic Association of the Philippines Season 86.
Upang makilahok, magrehistro lamang sa https://bit.ly/UPFight2024 o i-scan ang QR code na nasa larawan.
Source: https://upd.edu.ph/events