Skip to main content

UP Alumni Website

GINHAWA AT KASAKITAN: ISANG EKSIBIT NG MGA AWIT AT SINING BISWAL



GINHAWA AT KASAKITAN: ISANG EKSIBIT NG MGA AWIT AT SINING BISWAL

Tampok sa eksibit na ito ang mga likhang sining na tumutukoy sa kasakitan o pamalit na termino sa konsepto ng disaster o kalamidad mula Kanluran. Ipinapakita ng mga likhang-sining na ito kung paano tinitingnan ng isang manlilikha ang relasyon niya sa hirap at pagdurusa, at higit doon, kung paano niya ito sinusuong at tinutugunan.

Patunay ang eksibit ng mayaman at magkakaibang pagkakaunawa at relasyon ng mga tao sa mga bagay na bumabanat ng kanilang ginhawa dahilan upang maapektuhan ang kanilang mga sarili, relasyon sa ibang tao at kapaligiran, at takbo ng pang-araw araw nilang mga buhay.

Inaanyayahan ang lahat sa pagbubukas ng eksibit sa Martes, Setyembre 22, 11:30 n.u. sa AS Lobby, UP College of Social Sciences and Philosophy, UP Diliman.

Ang eksibit ay bukas sa publiko hanggang Setyembre 25.

Source: CSSP Research, Extension, & Publications Facebook

Date
Sep 22 - 25 2026
Expired!
Time
11:30 am - 5:00 pm