“Gunita ng Pakikipagtunggali: Mga Akda at Sinupan sa Panahon ng Diktadura”
Inaanyayahan ang lahat sa talakayang "Gunita ng Pakikipagtunggali: Mga Akda at Sinupan sa Panahon ng Diktadura," na inorganisa ng UP Departamento ng Kasaysayan. Tatalakayin dito ang kahalagahan ng pagtatala ng mga karanasan ng pang-aabuso at paglaban sa ilalim ng rehimeng Marcos, na nagbibigay-diin sa papel ng dokumentasyon sa pag-unawa at paghubog ng kasaysayan ng diktadura. […]